Arestado sa isinagawang hot pursuit operation ang isa sa mga suspek ng pagpatay sa isang barangay tanod sa Barangay San Miguel, Calasiao, Pangasinan.
Ayon sa Pulisya napagkamalan umano ang biktima na naging dahilan upang ito’y pagbabarilin.
Dati na umanong nakulong ang suspek na naharap sa kasong iligal na droga taong 2016, habang tukoy na ng Pulisya ang isa pang suspek sa pagpatay.
Ayon sa mga anak ng biktima, mabait at mapagmahal ang kanilang ama na si Michael Meneses kaya’t di nila inaasahan ang karumaldumal na sinapit nito.
Hustisya ang nais na makamtan ng tatlo nitong anak, na ngayo’y nangungulila sa pagkawala ng kanilang ama.
Tiniyak naman ng Calasiao Police Station, ang patuloy na pagsisiguro sa seguridad ng kanilang nasasakupan upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









