Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa grade 7 student na binaril sa loob mismo ng eskwelahan sa Calamba City sa Laguna.
Naaresto ng Calamba City police ang suspek na si Renan Estrope Valderama matapos siyang mamataan ng mga kabataan na pagala-gala sa Barangay Bucal kaninang madaling araw.
Si Valderama na sinasabing bading ay karelasyon umano ng 15 taong gulang na biktima.
Huwebes ng tanghali noong nakaraang linggo nang pasukin mismo ni Valderama sa loob ng classroom sa Castor Alviar National High School sa Barangay Masili at pagbabarilin ang biktima.
Facebook Comments