Suspek sa Pamamaril sa isang Guro sa bayan ng Roxas, Isabela Arestado

131

Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang naipasakamay sa Bureau of Jail Management and Penology sa Roxas, Isabela ang suspek na kabilang sa Top 6 Most Wanted Person sa rehiyon dos dahil sa kasong pagpatay.

Batay sa ulat ng Police Regional Office no. 2, kinilala ang suspek na si Joel Miguel, 41 anyos at residente ng Barangay San Vicente, Quirino, Isabela.

Naaresto ito sa kanyang tinutuluyang bahay malapit sa bukirin matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya na ipinalabas ni Acting Presiding Judge Randy Bulwayan ng RTC Branch 23, Roxas, Isabela.


Matatandaan na noong April 1, 2021 ng mangyari ang pamamaril ng suspek sa biktimang si Nenita De Luna, 59 anyos, isang guro at residente ng Munoz East, Roxas, Isabela.

Binaril ng suspek ang Guro pagbaba ng sinasakyan nitong traysikel sa harap ng kanilang bahay kasama noon ang kanyang asawa na kaagad namang nasawi.

Base sa imbestigasyon ng puisya, may personal umanong alitan ang biktima at suspek bago pa amn mangyari ang krimen.



Samantala, patuloy pa rin ang pagtugis ng PNP Roxas sa di pa nakikilang suspek na kasama ni Miguel nang mangyari ang nasabing insidente.

Facebook Comments