Suspek sa Pamamaril sa Isang Negosyante, Arestado sa Tuguegarao City!

*Tuguegarao City, Cagayan*-Arestado ang isang lalaki matapos nitong pagbabarilin ang isang negosyante bandang 8:50 kagabi sa Brgy. Balzain West, Tuguegarao City.

Kinilala ang biktima na si Roberto Dayrit, 31 anyos na residente ng Brgy. Annafunan East habang nakilala ang suspek na si Betrio Narag Jr., 31 anyos na residente ng Linao East sa parehong siyudad.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao,dumating umano ang suspek sa tindahan ni Dayrit upang hanapin ang kanyang kapatid na siya namang itinanggi ng negosyante na kanyang kakilala ang hinahanap ng suspek dahilan upang bumunot ng baril ang suspek mula sa kanyang sling bag at agad na binaril ang biktima.


Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya,tatakas na sana ang suspek sa pinangyarihan ng insidente lulan ng kanyang motorsiklo nang biglang tamaan ito ng bato dahilan upang matumba mula sa kanyang sinasakyang motorsiklo na agad namang kinuyog ng mga kasamahan ng biktima.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima sa isang ospital na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang pisngi habang nakuha naman sa lugar ng insidente ang isang caliber 22 na may tatlong bala at tatlong basyo ng bala mula sa suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek para sa inquest proceeding na nahaharap sa kasong Frustrated Murder

Facebook Comments