Suspek sa pamamaril sa LGU employee ng Quirino, Isabela – patuloy pa ring inaalam

Quirino, Isabela – Patuloy pa ring inaalam ng mga kasapi ng PNP Quirino, Isabela kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa isang street sweeper kahapon ng umaga sa bayan ng Quirino, Isabela.

Matatandaan na binaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang biktima na si Richard Ballesteros, 36-anyos ng Luna Quirino, Isabela habang naka-upo sa harapan ng isang karinderya sa pamilihang bayan.

Nagtamo ng tama sa dibdib mula sa calibre .45 na baril ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.


Napag-alaman na una nang sumuko sa oplan tokhang ang biktima noong July 19, 2016.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments