Suspek sa pamamaril sa loob ng tram sa Netherlands, naaresto na!

Netherlands – Naaresto na ang Turkish suspek na sangkot sa pamamaril sa loob ng isang tram sa Utrecht.

Aabot sa tatlong katao ang nasawi habang lima naman ang nasugatan sa insidente.

Nasa kustodiya na ang 37-anyos na suspek na si Gokmen Tanis matapos ang ilang oras na manhunt.


Hindi pa rin malinaw ang motibo ng suspek pero lumalabas na problema sa pamilya kung saan binaril nito ang isang kaanak na nasa tram at binaril din nito ang mga nagtangkang tumulong.

Pero sinabi ni Turkish President Tayyip Erdogan – inaalam pa rin ng kanilang intelligence agency kung ang pag-atake ay personally motivated o act of terrorism.

Nabatid na mayroong dating criminal record ang suspek.

Facebook Comments