Suspek sa pamamaril sa negosyanteng si Dominic Sytin, nakonsensya kaya umamin sa krimen

Umamin sa krimen ang suspek sa pamamaril sa negosyanteng si Dominic Sytin sa Subic, Zambales.

Si Sytin ay binaril sa harap ng isang hotel sa Subic noong nakaraang Nobyembre.

Naghain ng “guilty” plea ang gunman na si Eduardo Luib matapos umanong usigin ng konsensiya.


Bukod sa pag-amin sa krimen, itinuro rin niya bilang utak ng krimen ang kapatid ng biktima na si Dennis Sytin, na patuloy pa ring pinaghahanap.

Kapwa nahaharap sina Luib at Dennis Sytin sa kasong murder at frustrated murder.

Lumalabas away negosyo ang dahilan.

Naglabas na ng Hold Departure Order at Arrest Warrant laban kay Sytin at kasama nitong si Oliver Fuentes.

May apat na Milyong pisong pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Sytin habang dalawang milyong piso kay Fuentes.

Sa September 11 nakatakda ang susunod na pagdinig.

Facebook Comments