Suspek sa pamamaril sa Paco, Maynila, kritikal matapos tumalon sa gusali ng Manila City Hall

Kritikal ang kalagayan ng suspek sa pamamaril sa Paco, Maynila noong Lunes, matapos tumalon sa gusali ng Manila City Hall.

Nabatid na katatapos lang isalang sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutors Office, ang suspek sa indiscriminate firing na si Lyle Fernandez nang mangyari ang insidente.

Habang naglalakad sa hallway, biglang tumalon mula sa ikatlong palapag ng gusali ng city hall ng Maynila si Fernandez.


Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na agad ding naisugod sa Philippine General Hospital (PGH).

Matatandaang dalawang beses na nagpaputok ng baril si Fernandez sa CRS TOWER building sa Maynila, na tinutuluyan ng kanyang girlfriend, dahil umano sa selos.

Facebook Comments