Suspek sa pamamaril sa Pasay City, arestado!

Pasay City – Arestado na ang suspek sa pamamaril sa isang construction worker sa Pasay City noong Sabado, October 28.
Nakilala ang nadakip na si Eddie Algar kung saan inamin nito ang krimen at hindi daw pinagsisihan ang nagawa nang bailin ang biktima na si Rome Manancho.

Hindi naman makapaniwala ang misis ng biktima na si Hellen Pellodar dahil siguradong may kinalaman daw ang biyenan ng suspek na dati niyang nakasama.
Ayon kay SPO1 Marianne Corpuz ng Pasay PCP-4, agad silang rumesponde matapos makatanggap ng tawag sa isang concerned citizen hinggil sa pinagtataguan nito.
Sa ngayon, nakakulong na ang suspek at iniimbestigahan na din kung may kinalaman nga ang biyenan nito sa krimen.

Facebook Comments