Suspek sa pamamaril sa Pasay City, arestado

Pasay City – Arestado ang isang lalaki sa pamamaril sa ikinasang follow up operation ng mga tauhan ng Central Park PCP at intelligence branch ng Pasay Police sa Facundo St., Pasay City.
Nakilala ang suspek na si Louie Santiago alyas Loloy Galis, 36 anyos at miyembro ng Sputnik gang.
Si Santiago ang suspek sa pamamaril sa 24 anyos na si Marlon Sulat noong Huwebes ng gabi sa Gil Puyat kanto ng Harrison St.
Nakuha mula sa suspek ang isang 9mm na baril na kargado ng bala.

Facebook Comments