SUSPEK SA PAMAMARIL SA SANTIAGO, TINUTUGIS PA RIN

CAUAYAN CITY- Patuloy pa rin ang isinasagawang pagtugis ng mga otoridad sa dating police major na suspek sa pamamaril kamakailan sa Brgy. Nabbuan sa Lungsod ng Santiago.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team kay Acting Station Commander ng SCPO PS4
PCapt. Hassan Nor Damac, naisampa na ang kasong murder, attempted murder, at frustrated murder laban sa suspek na si Danilo Buan.

Aniya, nag-negatibo rin sa paraffin test ang biktimang si Sonny Julian Sr. kaya naman natiyak na ang natagpuang baril sa tabi ng bangkay nito ay hindi nito ginamit.


Sa ngayon, hinihintay na lamang ang warrant of arrest na ibababa laban sa suspek.

Facebook Comments