Suspek sa Pamamaril sa Sasakyan ng Isang SB Member, Arestado!

54

Naguilian, Isabela- Arestado na ang isang lalaki matapos pagbabarilin ang sasakyan ng isang Sanguniang Bayan Member sa bayan ng Naguilian kahapon, Marso 25, 2018.

Ang naturang sasakyan ay pag-aari ni SB Member Rocky Jones Baccuan, 49 anyos samantalang kinilala naman ang suspek na si Hector Tomines, 49 anyos, may-asawa, security guard at mga pawang residente ng Brgy. Magsaysay Naguilian Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi ni COP Francisco Dayag sa RMN Cauayan News Team, nakatanggap umano ng tawag ang PNP Naguilian mula kay Henry Corales Sr. na umano ay nakarinig ng putok ng baril mula sa bahay ni SB Baccuan.

Agad naman umanong rumesponde ang kapulisan sa pinangyarihan ng insidente at ayon sa pahayag ng asawa ni SB Baccuan, nagpapakain umano ito ng aso ng bigla nalamang makarinig sila ng putok ng baril kayat agad silang umakyat sa taas ng kanilang bahay upang makita kung saan nagmula at kung sino ang nagpaputok.

Samantala, nagulat nalamang umano ang mag-asawa ng sila ay bumaba mula sa taas ng kanilang bahay at nakitang ang kanilang sasakyan ay may tama na ng bala.

Natukoy naman agad ng kapulisan ang suspek na si Tomines sa tulong ng tumawag na concerned citizen at ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan para sa kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments