Suspek sa pamamasalang sa SAF 44, arestado ng CIDG ARMM

Kalaboso sa lock up cell ng CIDG ARMM ang isang suspek na di umanoy sangkot sa pamamaslang sa SAF 44 sa operasyon sa Brgy. Manungkaling, Mamasapano Maguindanao pasado alas 4 kahapon ng hapon.
Sinasabing bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest na pirmado ni Judge Alandrex M. Betoyang RTC Branch 15 laban kay ROLANDO B. SAMAL aka BLACKMORO SAMAL at REX SAMAL.
Naaresto ito sa tulong ng mga pinagsanib na pwersa ng CIDG RFU ARMM (Maguindanao PFU), PMFC MAG. RID PRO ARMM, PIB Maguindanao atMAPIO-SCMSO.
Nakumpiska kay BlackMoro ang isang 9mm pistol. Habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya.
Sinasabing kabilang ang suspek sa mga nakasagupa ng mga pumanaw na SAF 44 sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano noong January 25 2015.
CIDG Pics



Facebook Comments