Suspek sa pamemeke ng RT-PCR test result sa NAIA, arestado

Naaresto ng mga tauhan ng Airport Police Department (APD) ang isang suspek sa pamemeke ng resulta ng RT-PCR test sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kinilala ang suspek na si Glenmar Aco, 33 years old residente ng Pangil, Laguna.

Ayon kay APD Chief Col. Adrian Tecson, nahuli nila ang suspek matapos magpasaklolo ang isang pasahero sa NAIA Terminal 3 na biniktima ni Aco.


Ilan sa mga nabiktima ng suspek ay nakuhanan nito ng 15,000 pesos kapalit ng pagproseso ng mga dokumento para sa kanilang pagbiyahe.

Ang modus aniya ng suspek ay lalapitan ang isang problemadong pasahero o na-offload at aalukin ng tulong kung saan magpapakilala ito na may koneksyon siya sa Bureau of Immigration (BI).

Nahuli ang suspek matapos mabuking ng isa sa mga nabiktima niya na pineke nito ang resulta ng RT-PCR test.

Lumutang din sa tanggapan ng APD ang iba pang mga complainant para masampahan ng reklamo si Aco.

Facebook Comments