Suspek sa pamumugot ng ulo ng isang lalaki sa Rizal, napatay sa engkwentro sa PNP-AKG sa Subic, Zambales

170

Nasawi matapos manlaban sa mga tauhan ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pamumugot ng ulo ng isang lalaki sa Rizal.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Villaflor Banawagan, Commander ng AKG Luzon Field Unit, nangyari ang engkwentro kaninang alas-3:00 ng madaling araw sa Brgy. Naugsol, Subic, Zambales.

Iisyu lang sana ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa suspek na si Edison Villaran dahil sa kasong murder nang paputukan nito ang mga pulis.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril.

Ayon kay Banawagan, si Villaran ang nasa likod ng pagpugot ng ulo ng isang lalaki sa Cardona, Rizal noong August 2019.

Una nang naaresto ang kapatid ng suspek na co-accused din sa kaso nitong October 3, 2020 sa Pasig City.




Sa ulat pa ng AKG, miyembro ang suspek sa grupo ng dating pulis na si Patrolman Maray na sangkot sa robbery at kidnapping for ransom na naka engkwrntro na rin ng mga pulis sa Rizal nitong July.

Facebook Comments