Suspek sa pananaksak sa isang OFW sa Saudi Arabia, arestado na

Nahuli na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na natagpuang may tama ng saksak sa katawan sa Saudi Arabia.

Inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Paul Cortes na ang suspek ay kasamahan sa trabaho ng biktimang si Marjorette Garcia na iba ang lahi.

Hindi pa naman tinukoy ni Cortes ang pagkakakilanlan ng suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.


Patuloy aniyang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Saudi Arabia ang krimen.

Pagkatapos ng imbetigasyon ay maglalabas ng dokumento ang mga awtoridad ng Saudi upang maiuwi ang labi ng biktima rito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Cortes na nagtutulungan na ang Department of Migrant Workers (DMW) at mga tauhan nito sa Alkhobar, kasama ang DFA at mga awtoridad sa Riyadh para maibigay ang karampatang tulong at hustisya sa pamilya ng biktima.

Facebook Comments