Suspek sa pananaksak sa isang pulis, arestado na ng QCPD

Arestado na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa pananaksak sa isang police officer sa Police Station 9.

Kinilala ni Station Commander PLtCol. Ferdinand M. Casiano ang arestado na si Brian Boldero, 37 anyos at residente ng Agham Road, Quezon City.

Nauna rito, rumisponde bandang alas-2:40 kaninang madaling araw ang mga tauhan ng Police Station 6 sa isang stabbing incident sa Tent City Pook Arboretum, Brgy. UP Campus.


Inaatake ng saksak ni Boldero ang isang Francisco Naquita sa lugar.

Nang aawatin ng mga pulis ang suspek, binalingan niya ang mga pulis na nagresulta sa pagkakasaksak sa isang pulis.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation at agad na naaresto ang suspek.

Kakasuhan si Boldero ng serious physical injury at direct assault na may kasamang frustrated homicide.

Facebook Comments