Suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr., patay matapos manlaban sa mga awtoridad

Patay ang umano’y utak sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Director Police Major General Romeo Caramat, maghahain lang sana ng warrant of arrest ang mga pulis kasama ang tropa ng Philippine Army kay Oscar “Tamar” Capal Gandawali sa pinagtataguan nito sa brgy. Pilimoknan, Maguing, Lanao del Sur nang bigla nitong paputakan ang mga operatiba.

Sugatan sa insidente ang isang sundalo at ang chairman ng brgy. Pilimoknan na si Gamon Manonggiring.


Gumanti namam ng putok ang mga operatiba dahilan sa pagkakasawi ng suspek.

Nabatid na si Gandawali ay nahaharap sa pitong bilang ng murder at dalawang bilang ng frustrated murder.

Matatandaan na nitong Marso, una nang naaresto ng mga pulis ang tatlo sa mga suspek sa pananambang kay Adiong.

Habang nasawi naman sa hot pursuit operation ang isa pang suspek sa ambush na si alyas “Otin”.

Matatandaang Feb. 17, nang tambangan si Gov Adiong at isa nitong tauhan matapos tambangan sa Kalilangan, Bukidnon habang patay naman ang apat nitong kasama kabilang ang tatlong pulis.

Facebook Comments