Suspek sa panggagahasa, arestado sa Malolos Bulacan

Malolos Bulacan – Natuldukan na ang pagtatago ng isang rape suspek kasunod ng kinasang operasyon ng Malolos Bulacan PNP kagabi.

Bitbit ang search warrant nagtungo ang mga pulis sa brgy. look 1st, Malolos City, Bulacan. Matapos matunugan na andun ang lalaking pinaghahanap ng batas.

Alas 9:15 ng gabi, naaresto si Ariel Robles.


Ayon kay Psupt. Heryl L. Bruno walang pyansang inirekomenda sa kaso ni Robles base rin sa kautusan ni Judge Victoria C Fernandez-Bernardo ng RTC branch 18, Malolos City, Bulacan.

Facebook Comments