Suspek sa panggagahasa ng kaniyang sariling pamangkin sa Rizal, iniharap ng NBI sa publiko

Iniharap ng National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko ang suspek sa panggagahasa na tiyuhin mismo ng biktima.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), seven years old pa lamang ay ginagawa na ng suspek ang pananamantala sa biktima.

Tinatakot umano ng suspek ang biktima at sinabing papatayin niya ito at ang kaniyang pamilya.

Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Facebook Comments