Suspek sa road rage incident sa EDSA-Ayala Tunnel sa Makati City, isinalang na sa online inquest proceedings

Isinalang na sa online inquest proceeding ang suspek sa ‘road rage’ incident sa EDSA-Ayala Tunnel sa Makati City noong Martes ng hapon.

Dito sa inquest proceeding, magkakaharap ang prosecutor ng Makati online habang nasa loob ng conference room ang complainant, imbestigador at dinakip na suspek sa krimen.

Nakaantabay rito ang pamilya ng biktima nitong insidente, kasama ang anak at hipag ng family driver na biktima.


Murder ang reklamo laban sa suspek at maaari pang kasuhan dahil lumilitaw na walang permit ang suspek para bitbitin ang baril na mismong ginamit sa pagpatay sa biktima.

Kasama naman ng suspek ang kanyang ama ngunit wala itong abogadong dala-dala.

Facebook Comments