Suspek sa road rage sa Tondo, Maynila, sumalang na sa inquest proceedings

Isinalang na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office ang suspek sa road rage na naganap sa Tondo, Maynila, kahapon.

Ayon sa Manila Police District (MPD), kasong murder ang isasampa sa truck driver na si Marlo Ilan na inaresto makaraang makagitgitan at sagasaan ang biktimang si Benjamin Endrina.

Ayon kay Bernardino Corpuz Olesco Jr., na kasama ng biktima sa delivery van, binabaybay ng dalawang tsuper ang direksyon ng southbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa Tondo.


Nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at biktima mula C-3 Navotas hanggang umabot sila sa lugar na pinangyarihan.

Pagdating sa Mel Lopez Blvd., malapit sa Smokey Mountain PCP, bumaba si Bagtas sa kanyang minamanehong van upang komprontahin ang suspek ngunit imbes na tumigil ang huli ay sinagasaan nito ang biktima dahilan para magtamo ito ng multiple injuries.

Naitakbo pa sa ospital si Endrina ngunit binawian din ng buhay Huwebes ng gabi.

Facebook Comments