Suspek sa viral video ng drayber at pahinanteng hinoldap, arestado

2827
Images from Ramir Briones and Manila Public Information Office

Nadakip ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team o SMART ang holdaper na bumibiktima sa mga truck drayber habang binabaybay ang kahabaan ng Road 10, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang notoryus na magnanakaw na si Christopher Dumapi o alyas Toper, 28-anyos, kasapi ng Batang City Jail, at naninirahan sa Brgy. 118 Sambayanan, Bldg. H, sa naturang lugar.


Naaresto ang suspek sa Mel Lopez Boulevard, Linggo ng hapon, at nakumpiska sa kaniya ang isang patalim.

Nitong Sabado, naging viral sa internet ang panloloob ng dalawang salarin sa isang truck sa kalagitnaan ng matinding trapiko sa nasabing lansangan.

Sa kuhang bidyo ni Ramir Briones, makikitang puwersahang binuksan ng apat na kawatan ang pintuan ng driver’s side.

Sa kabilang pintuan ng truck, binabantayan ng isa pang masamang loob ang pahinante.

Nang mabuksan ang pinto, kinuha nila ang gamit ng dalawang biktima. Umalis ang mga ito na tila walang nangyari matapos magnakaw.

 

Samantala, tinutugis pa rin ng awtoridad ang iba pang kasabwat ni Dumapi.

Facebook Comments

From Advertisers