Manila, Philippines – Muling binigyan ng suspension order ng Office of the Ombudsman ang apat na opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nauna nang sinuspinde dahil sa pagpabor sa isang power utility firm.
Ito ay sina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Asirit at Geronimo Sta. Ana na una nang nakakuha ng temporary restraining order mula sa Court of Appeals.
Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, hindi sumunod ang mga ito sa mahigpit na pagpapatupad ng rules sa bill deposits at hinayaan lamang na maghalo ang BDs sa capital o operational expenses ng Meralco.
Ipinag-utos rin ng Ombudsman na walang matatanggap na sahod ang apat na ERC commissioners sa loob ng tatlong buwan.
Una nang naghain ang National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE) ng kasong administratibo laban sa apat na ERC officials dahil hinayaan ng mga ito ang maling paggamit ng bill deposists.