SUSPENDED! | Babaeng news anchor – sinuspinde sa trabaho matapos sabihang “pogi” ang isang male correspondent sa Kuwait

Kuwait – Isang Kuwaiti female news anchor ang sinuspinde sa trabaho matapos na sabihang “pogi” ang isang male correspondent habang naka-live TV broadcast.

Sa viral video, makikita ang lalaking reporter sa covarage ng municipal election sa Kuwait na nag-aayos pa ng kanyang headgear at walang kamalay-malay na naka-live na siya sa TV.

Dito maririnig na nagbiro ang female news anchor na si basima al-shammar at sinabihan ang correspondent na hindi na niya kailangang mag-ayos na gwapo na raw ito.


Paliwanag ni Al-shammar, hindi joke ang kanyang sinabi at paraan lang daw ito para sabihin sa correspondent na hinihintay na nila na kanyang report.

Gayunman, hindi ito umubra sa Kuwait ministry of information at agad ding sinuspinde sa trabaho ang female anchor.

Compliment sa western world o kahit dito sa Pilipinas kapag nasabihan kang pogi, pero sa kuwait, itinuturing itong “paglalandi” sa panig ng mga babae.

Facebook Comments