Suspended Bamban Mayor Alice Guo, itinangging may kinalaman sa natatanggap na death threat ni Senator Gatchalian

Kinuwestiyon ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang tila pagtutok sa kanya ng mga mambabatas sa isyu ng iligal na POGO.

Sa statement na inilabas ng mayora kagabi, sinabi nitong sa halip na pagbantaan siyang ipaaaresto ay mag-focus na lamang sina Senators Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian sa mga problema ng bansa gaya ng kahirapan, unemployement, food shortage, human rights violation at national security.

Handa rin aniya si Guo na harapin ang mga alegasyon laban sa kanya sa patas na paglilitis at sa proper forum.


Tanong ni Guo, siya raw ba ang pinakamalaking problema ng bansa na kailangan nilang tutukan o pinalalabas lamang siya kalaban?

Kasabay nito, nilinaw ng suspendidong alkalde na wala siyang kinalaman sa mga pagbabanta sa buhay na natatanggap ni Gatchalian.

Maging siya aniya ay nakatatanggap din ng death threats mula nang mag-umpisa ang isyu.

Itinanggi rin ni Guo na may hawak siyang Chinese passport.

Facebook Comments