Suspended Bamban Mayor Alice Guo, pormal nang inireklamo sa DOJ

Courtesy: Mayor Alice Leal Guo Facebook page

Pormal nang naghain ng reklamo ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo sa Department of Justice (DOJ).

Kasama ang Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) inireklamo nila si Guo ng Qualified Trafficking in Persons.

Bukod kay Guo, kasama rin sa inireklamo si Dennis Cunanan na siyang representative ng ni-raid na Zun Yuan Technology sa Bamban.


Bukod sa kanila, may 13 indibidwal pa ang nakatakdang sampahanng reklamo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay DOJ Usec. Nicholas Ty na namumuno rin sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), nakakalap sila ng sapat na ebidensiya para ireklamo ang alkalde at mga kasabawat nito kung saan magkakaroon pa ng pagkakataon ang kampo ni Guo para sagutin ang inihaing reklamo.

Naniniwala naman si Usec. Ty na matapos ang inihain na reklamo, hindi susubukan ni Guo na lumabas ng bansa lalo na’t isa itong public officials kung saan kakailanganin niya munang makakuha ng travel authority.

Facebook Comments