SUSPENDED | Budget hearings, sinuspende ng Senado

Manila, Philippines – Simula bukas, August 14 ay suspendido pansamantala ang pagbusisi ng Senado sa panukalang budget sa mga ahensya ng gobyerno para sa taong 2019.

Inihayag ito nina Senate President Tito Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos magsagawa ng caucus ang mga Senador na kasapi ng mayorya.

Ayon kina Sotto at Zubiri, si Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda ang nag-utos ng suspensyon.


Ito anila ay habang inaantabayanan nila ang magiging desisyon ng Kamara kaugnay sa isyu ng cash-based budget para sa susunod na taon.

Naunang nagpasya ang mababang kapulungan na magsuspende ng budget deliberations bilang pagkontra sa cash-based budgeting system na isinusulong ng Dept. of Budget and Management para sa 2019.

Facebook Comments