Kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na humihirit pa sa gobyerno ng Timor-Leste si suspended Cong. ArnolfoTeves Jr.
Ito ay bagama’t binasura na ng Timor-Leste ang kahilingan ni Teves na political asylum.
Ayon kay Remulla, nasa Timor-Leste pa rin si Teves at naghain ito ng motion for reconsideration.
Ito aniya ang pinaabot sa kanya ng isang tauhan ng Philippine Embassy sa Timor-Leste.
Samantala, naniniwala rin ang kalihim na pakana ng kampo ni Teves ang lumutang na testigo na nagsasabing sariling pamilya ang nagpapatay kay Governor Roel Degamo.
Ayon kay Remulla, taktika ito ng mga Teves para guluhin ang imbestigasyon
Facebook Comments