Naniniwala si Justice Sec. Crispin Remulla na nagpapalipat-lipat lamang ngayon si suspended Cong. Arnolfo Teves Jr., sa mga bansa sa Southeast Asia.
Ito ay matapos na ibasura ng Timor-Leste ang kahilingang political Asylum ni Teves.
Ayon kay Remulla, bilang ASEAN passport holder, maaari aniyang pumasok si Teves sa mga karatig-bansa na visa-free.
Aniya, may visa rin si Teves sa US at South Korea.
Kumpiyansa naman si Remulla na hindi na mababago ang desisyon ng Timor-Leste sa pagtanggi sa kahilingang asylum ni Teves.
Facebook Comments