Suspended Mayor Alice Guo, may karapatang lumapit sa Korte Suprema —Sen. Hontiveros

May karapatan si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na humingi ng tulong sa Korte Suprema.

Ito ang reaksyon ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros matapos na magsumite ng petisyon ang kampo ni Guo para ipawalang-bisa at isantabi ang subpoena na inisyu ng Senado sa suspendidong alkalde na may kinalaman sa imbestigasyon ng mga criminal activities ng POGO sa Tarlac.

Ayon kay Hontiveros, ang ating mga korte ay bukas para sa lahat ng indibidwal anuman ang nasyonalidad kaya kahit hindi Pilipino si Guo ay may karapatan pa rin itong pumunta sa Korte Suprema.


Sa bahagi aniya ng Senado, malinaw ang nakasaad sa batas na ang hindi pagpansin sa subpoena ay may katapat na mga consequences at kahit kailan ang pagtalima sa subpoena ay hindi naging optional.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng senadora ang kopya ng petisyon ni Guo.

Facebook Comments