Suspended Mayor Alice Guo, pwedeng kumbinsihin ang Senado na hindi na siya ikulong basta’t mangangako na haharap sa susunod na pagdinig

May paraan at proseso na maaaring gawin si Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para hindi na siya ikulong sa loob ng detention facility ng Senado.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, mayroong paraan at proseso kung makukumbinsi ni Guo ang Senate Committee on Women at si Senator Risa Hontiveros na huwag na siyang ikulong.

Aniya, pwedeng mangako si Guo na dadalo sa susunod na pagdinig sa ilalim ng kanyang recognizance bilang kilala naman siya sa kanilang komunidad.


Nilinaw naman ni Escudero na kung madakip at maikulong si Guo ay hindi ito kaparusahan sa anumang krimen kundi ito ay pagtiyak lamang na siya ay dadalo sa susunod na pagdinig ng Senado na nakatakda sa July 29.

Sakali namang mapaaga ang pagaresto kay Guo at ang iba pang ipinaaaresto, hiniling ng Senate President kay Hontiveros na mas agahan pa sa July 29 ang petsa ng pagpapatawag ng pagdinig.

Facebook Comments