Manila, Philippines – Suspendido na ang pensyon ng nga GSIS pensioners matapos hindi magpakita sa Annual Pensioners Information Revalidation o APIR na nag deadline nitong Hunyo a 30 taong kasalukuyan.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila bay sinabi ni GSIS President and Gen. Manager Jesus Clint Aranas, na papalo sa 300 libo ang tumatanggap ng pension sa GSIS nang hindi sigurado kung mga buhay pa ang mga pensioner.
Dahil dito ay muling ipinatupad ang Annual Pensioner Information Revalidation o APIR na natigil noong 2011.
At matapos ang deadline ay 54% na lang sa 300 libong ang nagpakita sa GSIS.
Nilinaw din ni Aranas na may personal silang pag Revalidate para sa mga disabled at nasa abroad.
Paliwanag ni Aranas personal na pupuntahan ng kanilang doktor ang mga pensioner na disabled basta tawagan lang sila habang ang mga nasa abroad naman ay kailangan lang silang kontakin gamit ang skype.
Dagdag pa ni Aranas sa oras na mahinto ang pension ng mga pensioner ay hindi dapat mag alala at magpakita lang sa kahit saang opisina ng gsis para maibalik ang buong pensyon na hindi naibigay ng ahensya.
Giit nito hindi panggigipit ang kanilang ginagawa kundi pag poprotekta sa pondo ng bayan nang hindi napupunta sa mga Ghost Pensioners.