Manila, Philippines – Sinuspinde narin ng Palasyo ng Malacañang ang Pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaan sa ilalim ng Executive Department sa December 26.
Batay sa memorandum circular number 55 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay suspendido ang pasok sa mga kagawaran ng Pamahalaan, government owned and controlled corporations, government financial institutions, local government units, state universities and colleges at iba pang tanggapan ng panahalaan sa executive department.
Layon ng nasabing kautusan na mabigyan pa ng mas mahabang pagkakataon ang mga empleyado ng pamahalaan na ipagdiwang ang kapaskuhan sa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Hindi naman kasama sa suspensyon ng pasok ang mga nasa linya ng basic services, health services at relief, disaster at rescue operations.
Ipinaubaya narin naman ng palasyo sa pribadonh sektor kung tutulad sa hakbang na ito.
Bahala narin naman ang iba pang sangay ng pamahalaan sa paganunsiyo kung gagawin din ang kaparehong kautusan.