SUSPENDED | NLEX Road Warrior Rookie Kiefer Raven, hindi makakalaro sa PBA

Manila, Philippines – Hindi na muna makakalaro sa PBA si NLEX Road Warriors Rookie Kiefer Ravena matapos patawan ng 18-buwan suspensiyon ng FIBA.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas President Al Panlilio, sakop ng suspensyon ng FIBA ang liga kaya at pahinga na muna siya sa paglalaro at hindi rin papayagan na sumabak sa ensayo ng kanyang koponan.

Nilinaw naman ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi sinuspinde ng liga si Ravena at inilagay lamang ito sa reserve list ng NLEX.


Matatandaang nag-ugat ang suspension ng FIBA kay Ravena matapos magpositibo sa tatlong ingredient na kasama sa mga prohibited substance ng World Anti-doping Agency (WADA).

Facebook Comments