SUSPENDED | Recognition ng mga fraternity at sorrority sa UST, sinuspinde kasunod ng Atio Castillo hazing case

Manila, Philippines – Sinuspinde ng University of Sto. Tomas (UST) Office for Student Affairs ang recognition sa lahat ng mga fraternity, sorrority at mga kahalintulad na organisasyon.

Ayon kay UST-Office of Student Affairs Director Ma. Socorro Guan Hing, nagpasya silang suspindihin ang proseso ng aplikasyon para sa recognition ng mga fraternity kasunod ng hazing na kinasangkutan ng Aegis Juris kung saan namatay si Civil Law student Horacio “Atio” Castillo III.

Layon ng nasabing hakbang na maprotektahan ang mga estudyante ng unibersidad mula sa kapahamakan sa hazing.


pinahihinto rin ng UST-OSA ang mga fraternity at sorrority sa pagrerecruit ng mga estudyante

Inaatasan din ang lahat ng mga estudyante na huwag sumali sa mga fraternity, sorrority at sa mga samahan na walang accreditation mula sa UST-OSA alinsunod na rin sa itinatakda ng Code of Conduct and Discipline ng UST.

Facebook Comments