SUSPENDIDO | Bus na sangkot sa aksidente sa Edsa-Magallanes, pinatawan ng preventive suspension order

Manila, Philippines – Pinatawan ng preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Joyselle Express Inc. matapos masangkot sa aksidente ang bus nito sa Edsa-Magallanes noong June.

Sa tatlong pahinang kautusan ng LTFRB, pinatawan nito ng 30-araw ng suspensyon ang bus ng Joyselle na nasangkot sa aksidente na ikinasugat ng 20 tao.

Iniutos rin ng LTFRB na dalhin ang bus nito na nasangkot sa insidente sa motor vehicle inspection service para isailalim sa road worthiness.


Maliban rito, pinapadalo rin ang operator, driver at konduktor sa road safety seminar at compulsory drug testing.

Inatasan din ang operator na isuko muna sa LTFRB ang plate number ng bus.

Binigyan naman ang kumpanya ng 72-oras para ipaliwanag kung bakit hindi dapat tuluyang suspindihin at kanselahin ang kanilang prangkisa.

Itinakda ng LTFRB ang pagdinig sa July 4, 2018, alas 9:00 ng umaga.

Facebook Comments