SUSPENDIDO | Ika-2 bugso ng dagdag-buwis sa petrolyo sa 2019, suspendido sa loob ng unang 3 buwan – DOF

Manila, Philippines – Masususpinde sa loob ng tatlong buwan simula sa Enero ng susunod na taon ang two-pesos per liter ng fuel excise tax.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Undersecretary Karl Kendrick Chua – maaring suspendehin ang second tranche ng excise tax sa langis kahit walang ipinapasang batas ang Kongreso.

Aniya, nakasaad na sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na awtomatikong masusupinde ang dagdag buwis sa produktong petrolyo bunsod ng patuloy na pagtaas ng inflation rate.


Kapag sumampa sa $80 per barrel ang imported crude oil sa tatlong magkakasunod na buwan ay awtomatikong suspendido ang excise tax sa oil products.

Pagkatapos ng tatlong buwang suspensyon, sinabi ng finance department na hindi malinaw sa TRAIN Law kung kailan maaring ituloy ang pagpapataw ng excise tax.

Facebook Comments