SUSPENDIDO | Kumpanyang Partas, pinatawan ng 30 day preventive suspension ng LTFRB

Manila, Philippines – Pinatawan na ng 30 day preventive Suspension ng Land transportation Franchising and Regulatory Board ang Bus company na Partas.

Ito ay matapos na mabigo ang Partas na maisumite sa itinakdang 12PM deadline ang GPS data at Dashcam card ng unit nito na nasangkot sa madugong aksidente sa Agoo, La Union.

Simula bukas, hindi na papayagang bumiyahe ang pitong units ng Partas na may rutang Pagudpud-Ilocos Norte-Sampaloc,Maynila.


Ipinasusuko na rin ng LTFRB ang mga plaka ng suspindidong units.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada LTFRB spokesperson, CCTV footage lamang ang naisumite ng Partas sa halip na GPS data at Dashcam card.

Ang Partas ay may 29 na prangkisa na may 129 units.

Ang napatawan lamang ng POS ay isa sa franchise nito na may pitong units.

Nauna rito, isang unit ng Partas ang nasangot kahapon sa road accident sa Lau Nion na ikinasawi ng 20 katao at ikinasugat ng siyam na iba pa.

Facebook Comments