SUSPENDIDO | Overall Deputy Ombudsman Carandang, kinasuhan na ng Office of the president

Manila, Philippines – Inanunsiyo ng Palasyo ng Malacanang na pormal nang kinasuhan ng kasong administratibo ng office of the Executive Secretary sa Office of the President si overall deputy Ombudsman Melchor Carandang.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kasong grave misconduct and grace dishonesty ang inihaing kaso laban kay Carandang.

Ito ay bunsod narin ng pagbubunyag ni Carandang ng umano’y bank statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na base sa inilabas din ni Senador Antonio Trillanes IV.


Binigyang diin ni Roque na batay sa isinagawang imbestigasyon ng Office ng President ay lumabas na mali ang halagang isinapubliko ni Carandang na tagong yaman ni Pangulong Duterte kaya misleading aniya ang paratang na ito ng Deputy Ombudsman.

Sa ngayon ay isinailalim sa 90 na preventive suspension si Carandang ng Office of the President.

Facebook Comments