SUSPENDIDO | Pasok sa mga korte sa Dec. 26 at Jan. 2, sinuspinde

Manila, Philippines – Sinuspinde na rin ng Korte Suprema ang pasok sa mga hukuman sa December 26 at January 2.

Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga opisyal at personnel sa hudikatura na makapiling ng mas mahabang panahon ang kanilang pamilya ngayong holiday season.

Nangangahulugan ito na sa susunod na dalawang linggo, Huwebes at Biyernes lang ang pasok sa hudikatura.


Una nang nagpatupad ng kahalintulad na suspensyon ang Malakanyang sa mga tanggapan ng gobyerno at sa pampublikong paaralan, kolehiyo at unibersidad.

Facebook Comments