Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang 90-araw na preventive suspension kay Tagbina, Surigao del Sur Mayor Generoso Naraiso at Councilor Nolly Concepcion ng San Jose del Monte City, Bulacan.
Ayon sa anti-graft court, layunin ng suspension order na mapigilan ang mga akusado na takutin at gipitin ang mga potensyal na testigo.
Inakusahan ng Ombudsman si Naraiso ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act dahil sa pagtangging ibigay sa kanilang municipal accountant ang representation at transportation allowance sa loob ng limang buwan noong 2015.
Usurpation of authority naman ang kinahaharap ni Concepcion nang in-assume niya ang functions ng vice mayor mula September hanggang October 2009.
Facebook Comments