Aklan – Pansamantalang sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-iisyu ng Alien Employment Permits (AEP) sa foreign nationals sa isla ng Boracay.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, hindi muna bibigyan ng employment ang mga dayuhan sa Boracay lalo na sa mga magpapa-renew ng kanilang working permits.
Pero nilinaw din ng kalihim, ang mga foreign national na nagtatrabaho sa ilalim ng Boracay inter-agency task force ay exempted sa temporary suspension.
Exempted ang mga dayuhang tutungo ng Boracay para magsagawa ng research studies o nagtatrabaho na may kaugnayan sa rehabilitasyon ng isla.
Exempted din ang mga dayuhang permanente ng residente sa lugar at mayroong probationary o temporary resident visa holders.
Magiging epektibo ang suspension hanggang sa matapos ang temporary closure ng Boracay.