Suspendidong BuCor Chief Gerald Bantag, nagsampa ng kaso sa Ombudsman laban kina DOJ Sec. Boying Remulla, BuCor OIC Chief Gregorio Catapang at ilang inmates

Nagsampa ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman si suspended Bureau of Correction (BuCor) Chief Gerald Bantag laban kina Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla, BuCor OIC Gregorio Catapang at sa ilang inmates ng New Bilibid Prison.

Kasong murder, grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at conduct unbecoming of a public official ang isinampa ni Bantag sa anti-graft court.

Tinukoy ni Bantag si Remulla na siya umanong mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at sa sinasabing middleman na si Jun Villamor.


Binanggit pa ni Bantag na ang pagpapalipat ni Remulla kay Catapang ng mga inmates mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ay patunay ng kanilang sabwatan.

Hiniling ni Bantag sa Ombudsman na pansamantalang suspendihin sina Remulla at Catapang at imbestigahan ang pagkamatay nina Percy Lapid at Villamor.

Kasama rin sa mga respondents si German Agojo na umano ay tumanggap ng utos mula kay Remulla para umano maghanap ng papatay kay Lapid.

Kasama rin ang mga gang leaders na Alfie Penaredonda, Aldrib Galicia, Mario alvarez, Alvin labra.

Facebook Comments