Manila, Philippines – Hindi pa naipapatupad ng Directorate for Personnel Records Management o DPRM ang sanctions ng grupo ni Supt. Marvin Marcos kaugnay sa pagkakasangkot ng mga ito sa pagpatay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay DPRM head Police Director Rene Aspera naghain ng motion for reconsideration ang mga pulis na ito upang maidepensa ang kanilang mga sarili.
Dahil dito hindi pa nasususpendi at nadi-demote ang grupo ni Supt. Marcos batay na rin sa rekomendasyon ng PNP IAS na aprobado ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Naibalik lamang daw sa trabaho ang mga ito matapos na magdesisyon ang korte na ibaba sa homicide mula sa murder ng kanilang kasong criminal.
Otomatiko aniya nang ilabas ng korte ang desisyong ito inalis na rin nila ang leave of absence ng labing siyam na pulis kabilang na si Supt. Marcos matapos na isailalim sila sa restrictive custody ng PNP headquarters support service.