SUSPENSION | Mga kondisyon na nakapaloob sa 4Ps ,sususpendihin muna ng DSWD

*Manila, Philippines – Sususpendihin muna ng Department of Social Welfare and Development ang mga kondisyon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries sa mga lungsod at munisipalidad ng Albay.*

*Ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco ito’y dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon.*

*Dahil sa perwisyong dulot ng bulkan ,nagkasundo ang pamunuan ng DSWD na ipatupad ang suspension sa ilang detalye ng progama upang sa ganoon tuloy tuloy ang pagtanggap ng cash grants ng mga benepisyaryo kahit wala ang mga kondisyon.*


*Ang 4Ps ay isang programa ng pamahalaan na ipinatutupad ng DSWD para matutukan ang kalusugan at edukasyon ng mahihirap na mamamayan lalo na ang mga kabataan may idad 0-18 taong gulang.*

*Sa normal na pagkuha ng cash grants, kailangang sundin ng mga benepisyaryo ang ilang kondisyon tulad ng pagpapaaral sa kanilang anak, regular na checkup sa health centers at pagdalo sa Family Development Sessions na ginagawa ng ahensya.*

*Batay sa datos, 6,114 Pantawid household-beneficiaries sa ilalim ng hurisdiksyon ng 9 na LGUs sa Albay ang apektado ng volcanic activities ng bulkang Mayon.*

Facebook Comments