Pinalawig ng Philippine Overseas Labor Office sa Muscat ang suspensyon ng kanilang operasyon hanggang February 8,2022.
Ito ay para sumailalim sa sampung araw na quarantine ang mga staff ng POLO.
Alinsunod ito sa patakaran ng Oman government bilang bahagi ng kanilang COVID-19 protocol.
Sa ilalim kasi ng panuntunan ng pamahalaan ng Oman, ang mga tanggapan ay pansamantalang isinasara para bigyang daan ang disinfection sa mga gusali at ang regular na sampung araw na quarantine ng mga manggagawa.
Noong Linggo, January 30 ay sinimulan ang pansamantalang pagsasara ng operasyon ng POLO-Muscat.
Facebook Comments