Suspension ng proklamasyon ng mga mananalong kandidato sa BSKE na may nakabinbing disqualification cases dahil sa premature campaigning, aprubado na ng Comelec

Aprubado na ng Commission on Elections (Comelec) ang suspensiyon ng proklamasyon ng mga mananalong kandidato sa BSKE na may nakabinbing disqualification cases.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, partikular dito ang mga kandidatong may nakabinbing kaso dahil sa premature campaigning, illegal campaigning, vote buying at iba pang grounds ng diskwalipikasyon.

Bukod sa suspensiyon ng proklamasyon, kasama rin dito ang pagkansela ng Certificate of Candidacies (COC), deklarasyon bilang nuisance candidate at disqualification orders laban sa lalabag na kandidato.


Samantala, naglabas naman ng kautusan ang Korte Suprema na hindi maaaring baklasin o sirain ng Comelec ang mga “privately-owned campaign materials” na nakapaskil sa mga private property.

Welcome naman ito para sa Comelec dahil sabi ni Garcia, ay hindi naman sila nagtatanggal ng campaign materials sa mga pribadong ari-arian, pag-aari man ito o hindi ng mga kandidato.

Pinalalakas pa aniya ng kautusang ito ang mandato ng Comelec at ang pagsasagawa ng Oplan Baklas laban sa mga kandidato at political parties.

Facebook Comments