Manila, Philippines – Walang balak ang pamunuan ng Department of National Defense (DND) na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Suspension of Military Operation o SOMO sa pagitan ng New People’s Army ngayong Christmas season.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kahit tradisyunal na ang pagpapatupad ng SOMO tuwing Christmas season, sa pagkakataong ito hindi na nila ito susundin pa.
Sinabi ni Lorenzana, una na raw kasing inutos ng mga commander ng New People’s Army sa kanyang mga tauhan ang mas paigtingin pa ang operasyon laban sa tropa ng pamahalaan.
Kaya naman kung magpapatupad aniya sila ng SOMO ay tiyak na mapapahamak ang kanilang tropa.
Sa kasalukuyan aniya magbabago lamang ang kanyang desisyon kung gagawa ng hakbang ang CPP-NPA-NDF na makakahikayat sa kanya para bawiin ang kanyang desisyon.
Nagpapatuloy naman ngayon ang focused military operation laban sa New People’s Army.
SUSPENSION OF MILITARY OPERATION | Hindi pagrerekumenda sa Pangulo, paninindigan ng DND
Facebook Comments