Suspension order laban sa mayor ng San Jose Occidental, Mindoro naisilbi na

Naisilbi na ng DILG-Region 4 Regional Office ang suspension order na inilabas ng Sandiganbayan Third Division laban kay San Jose Occidental Mindoro Mayor Romulo Festin.

Mismong si Mayor Festin ang tumanggap ng kautusan mula kay DILG Mimaropa Regional Director Welhin Suyco sa kanyang opisina kahapon.

Dahil dito, epektibo kahapon ay nagsimula na rin ang 90-days suspension ni Mayor Festin.


May kinalaman ang suspension order kay Festin sa tatlong kasong graft na isinampa laban sa kanya kabilang na ang umano’y maanumalyang computerization ng tax records ng munisipyo, pagbili ng mga multi-cabs at ang pagbabayad ng municipal government ng mga pribadong indibidwal nang walang kaukulang daily time records.

Matatandaang naungkat ang mga kaso laban kay Mayor Festin matapos itong magkumento sa usapin ng 22 mangingisda na dapat ay gamitin ng gobyerno ang muscle ng bibig kung walang muscle sa giyera ang Pilipinas.

Si Festin na siya pa ring nanalo bilang alkalde ng bayan ng San Jose ay hindi muna makakaupo sa pwesto sa July 1 at ang pansamantalang uupo ay ang incumbent na siya ring nanalong vice mayor na si Roderick Agas.

Facebook Comments